Get Some Lyrics - Your Lyrics Source
# A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Search Lyrics Database:

Florante Bigkas Lyrics



Print Florante Bigkas Lyrics

Araw araw tayo ay may pinag-uusapan tayo ay nagkakaintindihan

ngunit mayrong salita na tayo’y naa-asiwa kung ang pagbigkas ay hindi tama

Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit iba ang ibig sabihin

Kung mali ang pagbigkas ika’y mawawala, narito ang ilang halimbawa

Puno- puno, Gabi-gabi, Paso-paso, Huli-huli

Hamon-hamon, Dala-dala, Hapon-hapon, Kita-kita

Araw araw din tayo ay mayrong nababasa at binibigkas sa ‘ting isipan

Minsan sa pagbasa tayo ay naliligaw kung ang pananda ay hindi tama

Kay rami ng salitang pareho nga ng letra ngunit magkakaiba ng diwa

Kung mali ang pananda ika’y mawawala, narito ang ilang halimbawa

Basa-basa, Upo-upo, Pasa-pasa, Tayo-tayo

Balat-balat, Bunot-bunot, Bukas-bukas, Buko-buko

Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan upang tayo’y ‘di magkalituhan

Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda tayo ay magkakaintindihan

Pagbigkas ay dapat lamang na pakaingatan upang tayo’y ‘di magkalituhan

Pag-ayusin lamang ang gamit ng pananda tayo ay magkakaintindihan

Ligaw-ligaw, Pusod-pusod, Buhay-buhay, Aso-aso

Saya-saya, Tubo-tubo, Pito-pito, Bangko-bangko


PARTNERS: LetsSingIt.com | Lyrics 4 All | ABlyrics.com | Lyrics Heaven | All The Lyrics | Rare Lyrics | Songs Lyrics | Lyrics5
Spacer
Privacy Policy | Contact Us
Spacer
Spacer